Local News

OFW na Nakitaan ng Sintomas ng Coronavirus, Tumakas sa Ospital sa Sarangani!

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang napabalitang tumakas sa ospital matapos makitaan ng mga senyales o sintomas ng coronavirus disease 2019 (covid-19). Susuriin na raw dapat sa ospital ang OFW pero bigla daw itong umali at iniwan pa ang 10-taong gulang na anak.

Ang OFW ay isang babae na galing sa bansang Japan. Dumating ito sa Pilipinas noong Pebrero 29, ayons a Provincial Haleth Office at agad nagtungo sa Glan, Sarangani.

Suspetsa ng mga taga provincial health office, maaari nakalipad na pabalik ng Japan ang babaeng OFW. Inalerto na ng provincial health office ang Bureau of Quarantine ang nansabing insidente para masama ang naturang OFW sa watchlist.

Hindi nagustuhan ng ilang kababayan natina ng ginawa ng nasabing OFW.

“Hayysss gaano katitigas ang mga ulo nio…kya nde naasenso ang pilipinas eh…ginagawa ng gobyerno ang lahat ng mgagawa pero nde tlga sasapat kung me mga taong kagaya nito…pasaway …palala eto….nde maaayos to kasi ang mga tao mismo wala tlga disiplina,” sabi ni L. Analaman.

“Tumakas?! para ano, maka panghawa sya sa iba. Dapat ikadena ‘yan sa bed niya kung ganyan lang naman ggawin niya. Di siya nkkipag cooperate sa gobyerno na mag pa gamot para di kumalat yung daladala niyang virus.,” sabi ni M. Lee.

“O come on. Dagdag problema pa to. Kung ano man rason mo di parin maganda to. Nag papanic na nga mga tao dumagdag kapa. Reveal nga ang Identity para naman malaman kung sino to at ma aware ang lahat,” sabi ni R. Biwang.

“Wag niyo na Yun pabalikin SA Japan,dapat kasohan siya SA ginawa niya masyado siyang irresponsible d man Lang niya naisip Yung mga taong nakasalamuha niya at maaari din mahawaan..tanga2 Naman Yung Tao na yon sarap iuntog ulo niya SA semento,” sabi ni J. Lanorias.

“Yan kase hirap sa mga pilipino matitigas ang ulo.. Di Malabong dumami sa pilipinas yan kase ganyan ugali ng mga pilipino,” sabi ni M. Canillas.

Source: GMA News | GMA News Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: