Local News

“Ok Lang na BAN sa US, Basta Naka-KULONG ka Forever”- De Lima, Binanatan ng Prominenteng Abogado

Nitong nagdaang araw ay naging laman sa mga local media outlets ang pagpirma ni American President DOnald Trump sa US 2020 budget. Ito ay dahil sa kasamang probisyon na magbabawal sa mga may kinalaman sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima na makatungtong sa Estados Unidos. Sa madaling salita, ban sa Amerika ang mga nagpakulong sa senadora.

HIndi naman alintana ng kilalang abogado na si Attorney Ferdinand Topacio ang US ban. Sa kanyang social media post nito lang Disyembre 24, sinabi ni Attorney Topacio na mas importante daw na bahagi siya sa pananatili ni De Lima sa loob ng piitan habambuhay. Inilarawan paniya na isang kurakot at imoral na drug dealer ang senadora.

“I don’t give a rat’s ass if I don’t go to the US anymore for the rest of my life. What is important is that I do my share in keeping a corrupt, immoral drug-dealer in jail for the rest of her life. That is much more important,” bana ni Attorney Topacio.

Halos ganito rin ang naging reaksyon ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra sa isyu.

“I thought the US wants everyone to observe due process?… As for me, I don’t give a damn s_ _ _ if i’m included in the US list. I’m not the one who has to answer to my conscience… (I’m) shocked that a foreign government can unduly influence or interfere with another country’s legal and judicial processes by threats of visa cancellations and asset confiscation,” buwetla ni Secretary Guevarra.

Pumalag naman sa US Ban si House Speaker Alan Peter Cayetano. Buwelta ni Cayetano, pawang ginagawang armas na daw ang karapatang pantao.

“This is the best example of weaponizing human rights. Walang problema na ipaglaban natin ang human rights kasi yan talaga ay para sa ating lahat… But look at the implication of that law. Kapag sumunod ang officials natin at pinakawalan, bibigyan tayo ng visa, babagsak naman ang judicial system natin,” sabi ni House Speaker Cayetano.

Source: TNT Abante | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén