Local News

Old Footage: Ebidensiya ni Casiño, NPA Propaganda Pala!

Matapos ang ikalawang senate hearing tungkol sa red-tagging, ibinabahagi ngayon ng ilang netizens ang parte ng lumang footage mula sa programa ng GMA Network kung saan mapapanood si former Bayan Muna Teddy Casiño na kasagutan si Police Official Romeo Maganto at may ipinapakita pang peryodiko tungkol sa pagpatay ng isang indibiduwal na nagngangalang Manero sa paring si Fr. Favali.

Ang boladas na ito ni Casiño ay agad sinopla ng isa sa mga audeince ng nasabing programa. Ayon kay Chito Herbolingo, ang ipinapakita daw ni Casiño ay propaganda material ng New People’s Army (NPA). Nilinaw din ni Herbolingo ang totoong nangyari sa news report na hawak ni Casiño.

“Bigyan natin ng linaw ang propaganda ng CPP-NPA na dala-dala at nasa harap ngayon ni Teddy Casiño. Iyan pong taong iyan ay nakita pong patay at wala ng ulo. Kinunan ng photographer doon, pinahawakan sa isang magsasaka sa Davao Del Sur, that was in 1987.

So ang nangyari niyan, noong lumabas sa national dyaryo kinabukasan, nagre-react kami doon kasi, I was in broadcast media before, isa ako sa nagre-report diyan, kung bakit naging miyembro ng vigilante group ang magsasaka na iyan. Naintindihan namin iyan dahil iyan ay propaganda ng CPP-NPA. Ang masaklap nito ay dala-dala ng Teddy Casiño ang propaganda ng CPP-NPA na iyan,” pagsisiwalat ni Hebolingo.

Source: Kamatuoran

Leave a Reply

Theme by Anders Norén