Local News

Old Video: Isko Moreno, Binida si Mar Roxas!

Sa isang video noong 2014, ilang buwan bago dumating ang 2016 elections, maririnig ang dating bise-alkalde ng Maynila na si Franciso “Isko Moreno” Domagoso na ibinibida si former Department of Interior aand Local Government (DILG) sa kanyang mga kababayan sa Maynila.

Maririnig kay former vice mayor Isko Moreno ang pagkilala niya kay Roxas.

Si Isko ngayon ay alkalde na ng Lungsod ng Maynila. Habang si Mar Roxas ay natalo sa pagtakbo sa senador noong Mayo 2019.

“Hindi niya kasalanan na pinanganak siya na may gintong kutsara sa bibig. Eh tayo puro nganga… Pero bagama’t ganun ang kanyang katayuan, siya po ay nag-aral sa ibang bansa, sa Wharton, ‘yan po ay kilalang-kilalang eskuwelahan lalo na sa pagnenegosyo at paghahanap-buhay. Nagtrabaho saglit sa New York. Aba! Di lalong yumaman. Di lalong gumaan ang buhay. Hindi nakuntento, bumalik sa Pilipinas sa AKlan at naglingkod. Itinaguyod niya sa kongreso ang kanyang bayan. Pagkayari, nakita ang kanyang kakisigan. Sino ang nakakita? ‘Yung may bigote dito sa kanan (Erap Estrada). Ang gabinete ni Mayor Erap walang naging kaso. Lahat naging magaling na gabinete. Eh gabninete itong (Mar Roxas) ipakikilala ko noong panahon ni Erap,”sabi ni Moreno.

Sa naturang video, binulalas pa ni Isko na si Mar Roxas daw ang “Ama ng Call centers Industry” sa ating bansa.

“Hand-picked ni Erap (Mar Roxas) para mamuno sa Department of Trade and Industry. Eh ano ang naging bunga? Marami sa atin. Sa mga mahihirap nating kababayan at sa mga working-class na hindi nakakaalam na dahil sa pagsisigasig niya sa kongreso, pinakikinabangan natin ngayon ang 800,000 jobs. ‘Yung nakita niyo sa Taguig, Makati, Ortigas, Libis, etc. Ang laman ng mga corporate buildings na iyon, ang laman noon ay mga empleyadong Pilipino na ang tawag sa kanila ay “call center agents o BPO”. Eh sinong ama nun? Itong ipakikilala ko,”dagdag pa ni Moreno.

Si Moreno ay naging laman ng mga ulat ng mainstream media nitong mga nagdaang mga linggo dahil sa ipinatutupad niya sa lungsod ng Maynila.

Source: Rappler

Leave a Reply

Theme by Anders Norén