Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Olympic Council of Asia, Bumilib sa Hosting ng Pinas sa SEA Games! Gustong Pasalihin ang ating Bansa 2030 Asian Games Bidding!

Kung ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay panay ang puna sa opening ceremony ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games, iba naman ang naging pahayag ng Olympic Council of Asia (OCA).

Ayon sa konseho, bilib sila sa pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games kaya hinikayat nila ang Pilipinas na sumali sa bidding ng hosting rights para sa mas malaking event tulad ng 2030 Asian Games.

“The Philippine Arena is perhaps a unique arena in the world. We witnessed the enthusiasm of all athletes, and showed the excellent tradition of the SEA Games so far… This means that the Philippines is capable to organize bigger-scale Games,” sabi ni OCA vice president Wei Jizhong.

Magugunita na isang linggo bago ang opening ceremony ng SEA Games ay panay ang labas ng ilang mainstream media ng mga diumano’y aberya sa SEA Games at mga hindi kaaya-ayang ulat. Ilan sa mga nasabing ulat ay lumabas na hindi makatotohanan. TUlad na lang ng paghahain umano ng “kikiam” sa mga atleta. Sa pahayg ng Whitewood, partner hotel ng SEA Games, hindi “kikiam” kundi “chicken sausage” ang kanilang inihain sa mga manlalaro.

Paliwanag ni Wei na karaniwan lang ang mga aberya na nararanasan ng mga kalahok sa mga palaro. Kahit sa ibang bansa ay nararanasan din daw ito.

Nakatakda na ganapin ang 2022 ASIAN Games sa China habang ang susunod naman na 2026 Asian Games ay sa Japan naman.

Ang opening ceremony ng SEA Games ay hinangaan ng mga kababayan natin. Maski ang manunulat ng Singaporean News Paper na Strait TImes ay napansin ang kagtandahab nito.

“It took just two hours to wipe away a week’s worth of bad headlines as the Philippines rolled out the welcome mat for South-east Asia’s finest athletes on Saturday night (Nov 30). The 30th SEA Games was declared open by Philippine President Rodrigo Duterte at the 55,000-seat Philippine Arena 30km north of Manila in a colourful opening ceremony that showcased traditional and contemporary Filipino culture,” Ayon sa Strait Times.

Source: Manila Bulletin | Fox Sport Philippines | Strait Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén