Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Oplan Tokhang ni PDU30, Gustong Buwagin ni Drug Czar Leni?

Sa pulong na isinagawa ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), ipinanukala ni Vice President Leni Robredo na buwagin na ang “Oplan Tokhang”. Para kasi kay Robredo, ang Oplan Tokhang ay tila giyera laban sa mahihirap.

“I think it is incumbent upon us to na mabago ‘yong kaisipan na ‘yon… Baka panahon na para pag-isipan natin ‘yong pagpalit ng isang kampanya na mas epektibo pero walang namamatay senselessly,”sabi ni Vice President Robredo.

“Because of the many senseless killings that accompanied Operation Tokhang, parang naka-reach siya ng certain level of notoriety na kapag sinabing Tokhang it is a war against the poor,” boladas pa ni Vice President Robredo.

Mawawalan daw kasi ng saysay ang pagod at pagpapagal sa kampanya kontra-droga kung magkakaroon daw ng patayan.

“Everyone has been contributing to this pero ‘yong sa akin ‘pag nagkakaroon kasi ng senseless killings, nadi-diminish ‘yong mga pagod na ibinubuhos natin dito… That’s where I stand now, as I have said, we still have many days ahead of us, but this afternoon is really a listening exercise for me,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Ayon sa datos at numero ng mga alagad ng batas, nasa 5,500 ang mga napaslang sa lehitimong operasyon ng kapulisan.

Magugunita na itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) matapos batikusin ng bise presidente ang operasyon laban sa droga ng pamahlaan sa isang panayam sa foreign media. Nasi din daw kasi ng Pangulong Duterte na maranasan ni Robredo kung paano patakbuhin ang kampanya kontra-droga. Hahawakn ni Robredo ang pagiging co-chairperson ng ICAD hanggang sa huling araw ng termino ni Presdiente Duterte, maliban na lang kung sibakin ito ng Presidente.

Source: Inquirer | Abante | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén