Local News

Look! Anti-DU30 Groups, Pinili si Isko Moreno bilang Posibleng Kandidato!

Ilang anti-administration groups ang nagsama-sama sa pangunguna ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio upang bumuo ng bagong koalisyon na pinangalanan nilang “1Sambayan”.

Layon ng koalisyon na humanap ng maitatapat sa magiging pambato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa halalan 2022.

Isa sa mga posibleng kandidato na pinagpipilian ng 1Sambayan ay si Manila mayor Isko Moreno.

Bukod kay Isko, kasama din sa kanilang listahan ay sina Senators Nancy Binay, Grace Poe, Vice President Leni Robredo, at former Senator Antonio Trillanes IV.

“We are prepared to accept suggestions and nominations from everyone. So we are not foreclosing the candidates that we will consider and we will go through the process… All those who have joined the coalition have agreed to respect the decision of the convenors on who will be the candidates of the democratic forces… This is the understanding of everybody that unless we are united we cannot win in 2022… It’s important to have a very viable candidate. It’s important to remain united. Once the contributors see this, they will be there to support… The Filipino people deserve a better government… There are Filipino leaders who can do a much better job of running the government, reviving the economy, creating jobs for our people, and defending our territory and sovereign rights in the West Philippine Sea.,” sabi ni Carpio.

Isa sa miyebro sa koalisyon ay si former Bayan Muna Congressman Neri Colmenares. Isyu daw sa kanila kung may isa pang Duterte na maihahalal sa 2022.

“Many of us are here today precisely because we are unified that the issue of 2022 elections, when another Duterte comes into power, will be substantially affecting our survival as a nation,” ani Colmenares.

Isa sa mga napupusuan ng mga tagasuporta ng Pangulo para tumakbo sa 2022 ay si Mayor Sara Duterte. Pero makailang ulit ng sinabi ng Pangulong Duterte na hindi niya gustong patakbuhin sa pagkapresidente ang kaniyang anak.

Sinabi naman kamakailan ni Pangulong Duterte na gusto daw ni Senador Bong Go na maging Pangulo. Ayon kay Go,nagbibiro lang ang Pangulo magbabago daw siya ng isip kung tatakbo bilang bise si Pangulong Duterte.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén