Local News

Pag Patak ng May 5, Pwede ng I-TAKE OVER ng DU30 Gov’t ang ABS-CBN! – Franchise Lawyer

“By 12:01 pwede nang i-take over ng gobyerno ang ABS-CBN.”

Ito ang naging pahayag ni former congressman at Franchise Lawyer attorney Rolex Suplico ukol sa napipintong pagkapaso ng prangkisa ng network giant.

Magugunita na noong Pebrero 2020 ay nagbigay na rin ng pahayag si Atty. Suplico tungkol sa sasapitin ng ABS-CBN kapag ipinagpatuloy nito ang operasyon kahit walang prangkisa. Lalabas daw na kolorum ang media outlet kung pipiitin nito na magsagawa ng operasyon matapos ang May 4, 2020.

“Alam niyo po, maraming cases ng pirate station na nire-raid ng National Telecommunication Commission (NTC). Even ang regional offices lang ang nagre-raid. Pag ni-raid iyan, confiscated ang lahat ng equipments… By May 5, 2020, 12:01 am dapat ihinto ang broadcasting, ‘pag tinuloy ang broadcasting. it becomes a pirate station subject to raids and confiscation at iligal na iyon… Ang batas ay nagsasabi na kung wala kayong prangkisa, hindi kayo maaaring ma-isyuhan ng provisional authority (PA). Gaano ho kahaba ang PA? 18 months. May kondisyon iyan at kung ma-fufill mo ang kondisyon, pwede ka ng makahingi ng Certificate of Public Convenience and Necessity… (Pag-tinuloy ng ABS-CBN ang station) iyan ang tinatawag namin na ‘pirate station’. Ng pirate station ay isang TV o radio station na nag-o-operate na walang prangkisa o wlang PA mula sa National Telecommunication Commission (NTC),,” sabi ni Atty. Suplico.

Kahapon ay nagbanta na si Solicitor General Jose Calida sa mga opisyal ng NTC kung bibigyan ng mga ito ang ABS-CBN ng provisional permit to operate kahit na nakabinbin ang prangkisa nito sa kongreso.

“The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise,” banat ni SolGen Calida.

Magugunita na ilang beses ng nag banta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng kapamilya network. Ilan s amga rason ng Pangulo ay ang hindi pagpapalabas ng istasyon ng kanyang campaign advertisement para sa 2016 presidential elections.

Source: SMNI | SMNI | https://citizenexpress.today/oras-na-pumatak-ang-may-5-pwede-ng-i-take-over-ng-du30-govt-ang-abs-cbn-franchise-lawyer/

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: