Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Otso Diretso Candidate, Nagsasasayaw sa Gitna ng Kalsada!

Pag dumdating talaga ang panahon ng halalan, makikita ang ilang kandidato na ginagawa ang lahat para maligawan ang mga tao at makuha ang mga boto ng mga ito. May nangangako, kumakanta at sumasayaw.

Ngayong araw, nagpakita si senatorial aspirant Samira Gutoc ng paghataw at pag-indak. Ginawa niya ito sa Welcome Rotonda sa lungsod ng Quezon. Kasama ni Gutoc sa pagsasayaw sa kalsada ang ilang dancers.

Ang ginawa na ito ni Gutoc ay umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga kababayan natin sa social media. Ayon sa ilang netizens, magaling daw sumayaw si Gutoc kaya dapat ay mag dancer na lang daw ang senatorial candidate.

Si Gutoc ay bahagi ng Otso Diretso line-up. Kasama ni Gutoc sa grupo sina Magdalo Representative Gary Alejano, Human Rights Lawyer Chel Diokno, former Solicitor General Florin Hilbay, Attorney Erin TaΓ±ada, Election Lawyer Romulo Macalintal, former DILG secretary Mar Roxas at opposition senator Bam Aquino.

Panoorin ang video mula sa Philippines Star.

Ito po ang ilang piling komento mula sa Facebook page ng Philippine Star.

“Magaling ka pala sumayaw mag dancer ka nalang dyan ka nalang hwag kanalng tumakbo wla ka naman kwenta donπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚,” sabi ni M. OxMax.

“Dapat pala zumba instructor, hindi Senator hahaha,” sabi ni G. Lyons.

“Tuwing campaign talaga bumabait, nagiging ogag, at katawatawa, ginagawa lahat kahit magmukhang t.a.n.g.*.. parang tingin nila sa mga botante ogag lang na pwede utuin.,” sabi ni M. Sorreda.

“Hoy gutoc galing ah bka pag sa senado kna sasayaw sayaw ka na lng don,” sabi ni N. Postrado.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén