Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Otso Diretso, Pinagpapaliwanag ang Comelec!


Eksplanasyon mula sa Commission on Elections.

Ito ngayon ang malaking panawagan ng kampo ng Otso Diretso senatorial slate, sa pangunguna ng kanilang campaign manager at Liberal Party President na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, kaugnay pa rin ng nangyaring “glitches” sa nakaraang May Elections, gayundin sa pagbibilang ng mga boto.

“Halimbawa ‘yung pitong oras na hindi lumabas ang resulta sa transparency server, never naman nangyari ito. Pagkatapos pagdating ng madaling araw, 90 plus percent na, wala na lahat ‘yung Otso Diretso. That by itself needs an explanation. How did that happen?” saad ni Pangilinan.

Kinuwestiyon din ng senador ang aniya’y lima hanggang anim na oras na walang ibinigay na paliwanag ang Comelec habang hindi pa umano naita-transmit ang mga datos. Hindi rin daw lumabas at hindi nagsalita ang departamento na parang walang nangyaring problema, at dapat umano nila itong linawin.

Binigyang-diin din ni Pangilinan ang kahalagahan ng transparent transmission lalo na sa mahigpit at dikit na laban partikular na sa ika- 12, 13. at 14 na puwesto. Si Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ng Otso Diretso ang kasalukuyang nasa ika-14 na slot, batay sa partial and unofficial results ng Comelec.

“Itong mga ganitong kakaibang pangyayari ay malaking katanungan na dapat magkaroon ng paliwanag,” wika ni Pangilinan.

“Baka sakaling sa nasabing nalalabing pitong porsyento ay maipanalo pa ng isa o dalawa nating mga kandidato ang kanilang kandidatura. Mananatili tayong mapagbantay hanggang sa dulo,” dagdag pa ni Pangilinan.

Samantala, binatikos din ni Otso Diretso spokesperson lawyer Barry Gutierrez ang aniya’y pagma-malfunction ng daan-daang vote counting machines sa mismong araw ng halalan. Ilang mga ulat din ang kanilang natanggap na kinailangan umanong iwan ng ilang mga botante ang kanilang mga balota sa mga presinto at hinayaang ang mga election personnel sa lugar ang magpasok ng mga ito sa machine dahil sa pangyayari.

Sa Tarlac, na siyang sinasabing balwarte ni Aquino ay may 14 mula sa kabuuang 18 SD cards ang umano’y iniulat na nag-malfunction din, ayon sa kampo ng Otso Diretso.

“Obviously, that’s a huge source of concern. We’re talking about 500,000 voters potentially affected. And if the gap between number 14 where Senator Aquino is right now and number 12 is something like 300,000 votes, that’s obviously going to matter,” paliwanag ni Gutierrez.

“We’re not saying na may deliberate conspiracy dito na ginagawa, but what we’re saying is merong mga tanong na kailangang sagutin ang Commission on Elections. And right now, the explanations that they have given have not fully addressed ‘yung mga concern,” dagdag pa nito.

Source:
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén