Local News

“Oust Duterte Now!” Anak ni Kiko Pangilinan, Gustong Patalsikin ang Presidente!

Kapansin-pansin sa social media account ng anak ni Senador Francisco “Kiko” Pangilinan na si Frankie ang ginagamit nitong profile picture.

Tahasan na ang mensahe nito na lumaban sa Presidente ng Pilipinas. Makikita sa Tiwwter profile picture ni Frankie ang itim na bilog na may nakasulat na “WE CRIED A RIVER NOW WE FIGHT BACK #OutDuterteNow”.

Ang ama ni Frankie ay kilalang kritiko ng Duterte Administration at madalas patutsadahan ng Presidente. Isa sa madalas na binabatikos ni Pangulong Duterte sa mga ginawa ni Kiko ay ang inakda nitong batas, ang Republic Act 9344 o the Juvenile Justice Law of 2006.

“Gaya niyang maghanap ka lang ng butas pero make sure that your argument is also better than mine because if you do not have anything to say except to criticize like Pangilinan, well I’m sorry, better shut up… Wala ka talaga. Ikaw ‘yung abogado nalaman kong pinakabobo sa lahat. (You are nothing. You are the dumbest lawyer I know.) I will — I’m not — I’m not trying to destroy him. But I will — in two minutes, I will destroy him. Makinig lang kayo (Listen to me)… ‘Yong pinasa ni — sino ‘tong p***** i**** ‘to? Si… Pinasa niya ang batas sa juvenile law at tinaas niya from the indeterminate — ‘yung law noon. Fifteen years old, hindi mo makulong. Doon tayo nagkaroon ng great injustice… Mag-isip lang kayo noon pa hindi pa panahon sa batas ni Pangilinan at ngayon — ang nangyaring… Hindi mo talaga ma-detain ang bata whatever the crime may be. It could even be genocide. Walang sasagutin,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: | Frankie pangilinan | Archive | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén