Local News

OUSTDUTERTE Banner, Binaklas ng Magiting na Netizen!

Hindi pinalampas ng isa nating kababayan ang tarpaulin na nakakabit sa isang footbridge. Nakalagay sa nasabing tarpaulin ang katagang Oust Duterte. Kaya dali-dali bumaba sa kanyang sasakyan si Gam Sam upang baklasin ang nasabing karatula.

Ang video ni Sam ay umani na ng lagpas 200,000 na views at naibahagi na rin ng higit 14,000 habang isinusulat ang blog post na ito.

Sa kanyang Facebook post, binanatan niya ang may gawa ng nasabing karatula at ang mga bumabatikos sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Kahapon habang nagdadrive ako pauwi from supermarket may nakita akong di kaaya aya sa overpass sa tapat ng UP Town Center Katipunan na #OUSTDuterte.

Syempre ginawa ko kung ano yung dapat. Tinanggal ko at tinapon ko sa basurahan yung walang kakwenta kwentang bagay at walang magandang hatid sa lahat ng makakakita. Di ko lang maintindihan kung san nanggagaling yung nagsulat at naglagay nun at nageffort pa na lumabas at suwayin ang utos ng gobyerno para lang gawin yun.

Di ba nya naisip na di solusyon ang pagpapatalsik sa Presidente natin sa kinakaharap natin na problema ngayon? Kasi ang pagkakaalam ko PAGKAKAISA yung kailangan natin ngayon at TULUNGAN at hindi pagsisisihan o siraan!

Puro reklamo at puro paninisi nalang sa Gobyerno imbis gumawa ng tama! Kung may pagkukulang man sila naniniwala ako na di ito yung tamang panahon para isumbat yun sa kanila. Dahil walang nakakaalam at nakapaghanda sa problemang to kahit yung malalakaing bansa.

Kung di natin kayang irespeto si DU30 bilang Presidente, Irespeto nalang sana natin sya bilang nakakatanda na kailangan igalang gaya ng mga nakakatanda nating kamaganak!

Taas kamay sa mga BOBONG nagsasabi na pagpapatalsik kay DU30 ang solusyon sa problema natin ngayon! At sa mga puro reklamo na wala naman naitutulong!

Pakiunfriend nalang ako kung tingin mo MALI ako sa sinasabi ko at magkaiba tayo ng paniniwala at gusto mangyari!” sabi ni Sam.

Source: Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: