Local News

‘#OustDuterte Dahil Pabaya sa Coronavirus Issue!’ – Critics

Nitong huling bahagi ng Enero ay naging laman ng balita ang tungkol sa novel coronavirus (2019-NCov) na nagmula sa bansang China.

Maraming Pilipino ang nabahala sa naturang sakit dahil sa mabilis nitong pagkalat at sa mga ulat na may mga nasawi na dito. Kamakaialn lang ay dineklara na rin ng Department of Health (DOH) na isang 38-anyos na Babaeng Tsino ang nag-positibo sa coronavirus. Ang pasyente ay nilalapatan na ng lunas sa isang government hospital sa Maynila.

Dahil sa nangyari ay nanawagan ang ilang kababayan natin na magpatupad na ng travel ban sa China upang maiwasan nang makapasok ang nCoV sa Pilipinas. Ang panawagan na ito ay hindi agad tinalima ng Palasyo. Ayon sa ilang opisyal, inaalala din ng pamahalaan ang magiging epekto nito sa relasyon ng Pilipinas at China. Pero kalaunan ay sinang-ayunan na rin ni Pangulong Duterte ang panawagan at nagpatupad ng temporary travel ban sa mga taong galing Wuhan City at Hubei Province, ang lugar kung saan pinaniniwalaang nanggaling ang coronavirus.

Ang naging aksyon ng gobyerno ay ginamit ng mga kritko ng administrasyon upang isulong ang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte. Sa social media site na Twitter, pina-trending ng mga ito ang topic na #OustDuterte. Ang naturang hashtag ay pumalo sa numero unong pinaka-popular na pinag-uusapan sa Twitter.

Dumipensa naman ang tagapagsalita ng Pangulong na si Secretary Salvador Panelo. Ayon sa Spokesperson, hindi pumepetiks si Pangulong Duterte sa isyu.

“Meron na siyang instructions. Dati nang may mga protocols, ginagawa na nga yun eh… Ano bang relax eh operational na nga lahat ng mga protocols eh,” banat ni Panelo.

Ang panawagan na patalsikin si Pangulong Duterte ay dinala na ng mga kritiko sa lansangan. Kung sa Twitter ay nag-trending at mukhang marami ang nananawagan ng pagpapababa kay Pangulong DUterte, kabaligtaran naman ang nangyari nang dalhin nila sa lansangan ang kanilang isinusulong.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén