Local News

Natalong Mayor, ‘Sinira’ umano ang Opisina na para sa Incoming Mayor?

Nagulantang ang mga empleyado at bisita sa munisipyo ng Cebu nang makita ang opisina ng alkalde na “bare” na lang ang itsura. Literal kasi na binakante ni outgoing Cebu Mayor Tommy Osmeña ang naturang opisina.

Ayon sa ulat, wala na raw ang mga kisame at mga ceramic tiles ng opisina. Tinanggal din ang glass dividers sa lugar. Pati ang tiles sa kusina at palikuran ay binaklas din.

(Photo from Sunstar)

(Photo from CNN Philippines)

Pinag-iisipan ngayon ng kampo ni incoming Cebu Mayor Edgar Labella na maghain ng kaso laban kay Osmeña at sa mga tauhan nito dahil sa pagsira umano sa opisina ng alkalde. Ayon sa kampo ni Labella, maiintindihan pa daw nila kung mga furniture lang ang pinatanggal ni Osmeña.

“The ruin of the city mayor’s office is hard to believe. It’s a shocker. But as I reflect on it, perhaps it is no more than a microcosm of the way someone has left an entire city in shambles,” sabi ni Leballa.

Base naman sa pahayag ng executive assistant ni Osmeña na si Bimbo Fernandez, pagmamay-ari daw ni Osmeña ang mga pinabaklas nito. Hindi daw kasi pinayagan ng mga konsehal si Osmeña na ipa-renovate sa halagang P2 million ang silid. Kaya naglabas daw si Osmeña ng sariling pera para ipaayos ang opisina.

Source: GMA News | CNN Philippines | Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén