Local News

P.Duterte, Inimbitahan ni Russian President Putin sa Moscow!

Tumugon si Pangulng Rodrigo Roa Duterte sa imbitasyon ni Russian President Vladimir Putin upang bumisita ito sa SOchi at Moscow.

Sa 5-araw na pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia sa Oct 1 hanggang 5, inaasahang mapipirmahan ang ilang kasunduan na may kinalaman sa kalusugan , kultura at pananaliksik.

“President Duterte and President Putin will also witness the exchange of several bilateral agreements covering practical areas of cooperation such as culture, health, basic research, et cetera… I have mentioned health, culture, basic research but the other agreements I am not at liberty at this point because there are still discussions going on,” sabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Amelita Aquino.

Inulit muli ng bansang Russia ang kanilang alok na tulungan ang ating bansa sa larangan ng defense capabilities. Ayon sa Ambassador ng Russia na si Igor Khovaev, handa daw ang Russia na bigyan ng modernong armas ang Pilipinas.

“Our country is committed to helping the Philippines increase defense capabilities… We are open to many options, we are ready to supply sophisticated arms and weapons to help the country in staff training, (on) joint drills and exercises we are ready to coordinate our efforts, and of course we want to transfer our best technologies in all of the developing countries,” sabi ni Khovaev.

Magugunita na naantala ang pagbisita ni Pangulong Dutete sa Russia noong 2017 nang atakehin ng Maute grou ang Marawi.

Basahin ang naging tugon ng mga kababayan natins a napipintong pagbisita ni Presidente Duterte sa Russia.

“Ingat po kayo palagi mahal naming pangulo naway gabayan kayo ng poong maykapal sa araw-araw saan man kayo pumunta,”sabi ni F. Rosana.

” Iyan ating Pang DU30 kaibigan Ang lahat Lalo na mga superpower ldrs para tuloy ang mabuting ugnayan maiwasan Ang confrontasyon at nuclear war walang mabuting patutunguhan kundi destrucsiyon ng ating planets Mabuhay ka Mr Pres Mabuhay Ang Pilipinas !,” sabi ni R. Laconza.

Source: News5 | Manila Bulletin | Poltiko

Leave a Reply