Local News

‘P*** Ina mo! Bubunutan kita ng Baril’ Dating Pulis, Siga-sigaan!

Viral ngayon ang video ng kabalbalan ng isang dating pulis nang pagbantaan nito ang mga kapit-bahay. Kinilala ang inirereklamo na si Jason Tiamson. Si Tiamson daw ay may bansag na “Kilabot ng Sta. Rosa, Laguna”.

Sapul sa video ang pasiga-siga na asta ni Tiamson at maririnig din sa footage na nagsalita ito bubunot daw siya ng baril laban sa kaniyang kaalitan. Makikita rin sa video ang pagsagasa ni Tiamson sa mga kahoy ng kaniyang kapit-bahay.

Nag-ugat ang alitan dahil nilagyan ng harang ang lugar na kaniyang pinaparadahan. Ayon sa ulat, hindi naman pag-aari ni Tiamson ang lugar. Sakit din daw sa lugar si Tiamson. Sa katunayan daw ay pumalo na sa tatlong ang reklamo inihain laban sa dating pulis.

Dahil sa paghuhurumintado ng dating pulis, nasugatan ang magkapatid na nakaalitan niya.

Banat ng kapulisan, hindi palalagpasin ang pinag-a-asta ni Tiamson.

“First time ko narinig ang kaniyang pangalan… Hindi po pwede yung ganyang (pasiga-siga).. Depende kung gaanong klase ang pagkakilabot niya,” sabi ni Sta. Rosa Laguna Police Chief Lt. Col. Vicente Amante.

Si Tiamson ay maaaring makasuhan ng grave threat at alarm and scandal. Pwede pa raw madagdagan ng physical injury dahil sa medico legal na magpapatunay na nasaktana ang mga biktima.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén