Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘P** i**! ‘Wag niyo Iboto si Leni! Kawawa kayo!’ Robredo, Naboljak ni DU30!

“Wag kayong boboto diyan kay Leni. Kawawa kayo… Tapos ito, diretso, sabihin na ganito-ganito, ‘wag kayong magkumpiyansa diyan kay ano, disgrasya kayo. ‘Yan ang presidente, patay, sigurado,”

Ganito ang naging patutsada at banat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban kay Vice President Leni Robredo nang makapanayam ang ilang miyembro ng media sa Davao City.

Resbak ng Pangulo, madalas daw magsalita laban sa mga tagapagpatupad ng batas si Leni.

“Here comes a lawyer, criticizing about sa pulis. Itong si Leni, wala nang magandang sinabi para sa pulis. Lahat ng gagawin ng military pati pulis, either masama, hindi tama. ‘Yan ang problema ko kay Leni,” buwelta pa ni Pangulong Duterte.

Hindi rin pinalampas ng Presidente ang pagpuna noon ni Leni sa pahayag niya na maaaring tumangap ng regalo ang kapulisan. Buwelta ng Pangulo, hindi daw alam ni Leni ang batas dahil pinapayagan naman daw ito base sa Anti-Graft and Corrupt Practices Law.

“Kung ‘yan ang maging presidente, hindi alam ang batas, na ang pulis pala ay puwedeng magtanggap, according to the Anti-Graft and Corrupt Practices Law, nandiyan sa batas, mismo, punishing itong maghingi nang malaki, ‘yung maghingi muna bago magtrabaho. Pero kung tapos na ang trabaho, the Filipino is always conscious about gratitude, that is a trait deeply rooted sa ating… may utang na loob ka,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Muli din inalok ni Pangulong Duterte si Leni para maging drug czar. Magugunita na hinamon ni Pangulong Duterte si Leni na pangunahan ang anti-drug campaign ng pamahalaan matapos sabihin ng bise presidente sa panayam niya sa foreign press na dapat nang itigil ang war on drugs dahil palpak daw ito.

Kinuwestiyon naman ni Leni ang unang alok sa kanya ni Pangulong Duterte. Boladas pa n Leni, bakit daw ipapasa sa kanya ang responsibilidad sa war on drugs kung nagtatagumpay ito.

Source: ABS-CBN | GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén