Local News

Totoo kaya? P1 Billion Tinatayang YAMAN umano ni Coco Martin, ayon sa Celebrity Net Worth Site

Kagabi ay galit na humarap sa mga netizen si ABS-CBN star Coco Martin upang ilabas ang kanyang sama ng loob dahil sa naging utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN na huminto sa pag-e-ere.

Isa sa mga ipinagpuputok ng butsi ni Martin ay ang ipampapakain niya daw sa kanyang pamilya.

“Ito iyong pagkakataon natin na lumaban eh. Wala na tayong trabaho, Ano pang iingatan natin? Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako… no po ba ang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa o sugal na pinapasok sa ating bansa. Buti pa ang POGO, pinaglalaban niyo. Itong kumpanya na tumutulong sa tao, pinasara niyo. Ano iyon? Tapos ang mga tao tuwang-tuwa kayo na nawala ng trabaho ang 11,000… Ano sabi ni Harry Roque,’Oh! Pumila kayo sa DOLE’. Eh ang buong Pilipinas nga hindi niyo ma-supplayan… bago matapos ito ay masabi ko kung ano ang totoong nararamdaman ko sa inyo,” sabi ni Coco.

Hindi tuloy napigilan ng ilang kababayan natin na magtanong kung bakit ito sinasabi ni Martin dahil isa ito sa pinakakilalang artista at kaliwa’t-kanan ang mga endorsements. Hindi pa maitatanggi ang magarang bahay at kotse na ipinakita nito sa publiko ilang taon lang ang nakakalipas.

Kaya sinilip namin ang internet para malaman ang tinatayang yaman ni Coco. Isa sa mga internet site na binisita namin ay ang CelebrityNetWorth.com (CNW). Dito nakasaad na may estimated net worth umano na $20 million o P1 billion ang Kapamilya actor.

Ang CelebrityNetWorth.com (CNW) ay itinatag noon 2008 ng CEO nito na si Brian Warner. Kinikuwestiyon naman ng New York Times kung paano kinikuwenta ng CNW ang mga estimates sa naturang website.

Ayon naman sa artikulo ng Kami, mayroon din daw silang source na nagsabing nasa $20 million ang tinatayang yaman ni Coco.

“KAMI learned through the same source that the Prince of Indie Film is able to increase his earnings this year and tallied $20 million net worth or 1.1 billion peso,” base sa unang bahagi ng artikulo ng Kami.com.ph.

Source: Celebrity Net Worth | Kami | Bilyonaryo | New York Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: