Local News

P1500 lang ang Binayad ng ABS-CBN sa 13-Year Contractual para Mag-cover ng Laban ni Pacquiao?

Itong mga nagdaang mga araw ay sunod-sunod ang paglutang ng mga dating manggagawa ng ABS-CBN upang ilahad ang kanilang masamang karanasan sa nasabing kumpanya.

Ilan sa mga ito ay mga cameraman at technical director na tinaggal umano ng Kapamilya network ng basta-basta.

Ngayon, isa na naman dating manggagawa ng ABS-CBN ay nagbunyag ng bagong impormasyon tungkol sa pinaggagagawa media giant.

Ayon kay Bill Velasco, dating sport commentator sa sports segment ng ABS-CBN, pinag-cover daw siya ng laban ni Boxing Icon Manny Pacquiao at binayaran lamang ng P1500. Isiniwalat din niya na 13 taon siyang naging contractual sa ABS-CBN.

“DEFENDING MY FREEDOM OF SPEECH
At 10 am yesterday, I shared the BIR report that my ex-network had far less employees than claimed, adding that I was a contractual for 13 years.
A friend (for over 30 years) employed at the network tried to silence me, commenting “Report to labor then not on FB” ON MY OWN WALL, and attached a questionable “official declaration” from the network. When I reiterated that it was MY experience and I was even paid ONLY P 1500 (minus taxes) for a Pacquiao coverage, this person admitted having NO DATA on long-term contractuals at the network, told me to research it, then unfriended me. Others with similar experiences at the network have since been privately messaging me,”
sabi ni Velasco.

Nauna rito ay nagbahagi si Velasco ng artikulo mula sa Daily Tribune kung saan sinabi ng Bureau of Internal Revenue na 4,401 lang talaga ang empleyado ng ABS-CBN, hindi tulad ng sinasabi ng media network na 11,000. Dahil sa binahagi niyang artikulo, isang dati niyang kasamahan umano sa ABS-CBN ang nagtangkang busalan siya sa social media account niya.

“I commented on the BIR report that my former network has fewer employees than they claim, speaking ONLY from personal experience as a contractual for 13 YEARS. I got an attempted muzzling from a friend working with the network, ON MY OWN WALL. It seems I have now been unfriended.,” ani Velasco.

Source: Bill Velasco’s Facebook Account | Archive | Bill Velasco

Leave a Reply

Theme by Anders Norén