Local News

P400 Million Extortion Money ng NPA, Napupunta kay Joma ayon sa Former NPA!

Sa pagharap ni Jeffrey Celis aka Ka Erik sa senado ay ibinunyag nito ang mga kabalbalang pinaggagawa ng mga New People’s Army (NPA) para makakulimbat ng pera.

Si Celis ay 27-taong miyembro ng rebeldeng komunista at ngayo’y nagsisiwalat ng mga kabastugan ng dati niyang samahan.

Ayon kay Celis, umaabot daw sa P400 million ang nakukulimbat ni Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison mula sa extortion activities ng mga NPA.

Ilan sa mga nakikikilan ng mga bataan daw ni Joma ay ang mga private contractors sa mga infrastruture projects at mga telco companies tulad ng Globe at Smart.

“They cannot overthrow the government, but they can make Smart, Globe pay P200 million every year. They can make P200 million, P400 million from [their] NGO racket,” sabi ni Celis.

Para kay Senate President Tito Sotto, ito raw marahil ang rason kung bakit mas pinipili ng mga telco na magtayo ng cell tower sa loob ng kampo militar.

“Perhaps those who are asking will now understand why telcos want to install their sites inside military camps. If not inside the military camps, their sites will be bombed, burned or destroyed if they don’t pay. That’s the answer and not because China wants to monitor the military,” ani Sotto.

Ang pagdinig kahapon sa senado ay dinaluhan nina Lt. General Antonio Parlade, National Security Adviser Hermohenes Esperon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año at iba pa. Habang ang mga miyemrbo ng makakaliwang kongresistang Makabayan Bloc ay hindi sumipot sa nasabing pagdinig. Layon ng senate hearing na matalakay ang isyu ng red-tagging at communist insurgency.

Source: Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén