Local News

P500 Monthly Allowance sa Senior Citizens, Solo Parents, Students, PWDs, Pirmado na ni Mayor Isko!

Magkakaroon ng bagong benipisyo ang mga kababaytan natin sa Maynila dahil pinirmahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ordinansa na naglalayon na magbigay ng P500 allowance kada buwan sa mga grade 12 students sa mga pampublikong paaralan. Makatutulong ito sa mga gastusin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Para makuha ng mga mag-aaral ang benepisyo na ito, kailangan nilang magkaroon ng good standing at rehistradong botante dapat ng Maynila. Maaring ma-disqualify ang mga benipisyaryo kung matatanggal ito sa paaralan.

Damay din na makakatanggap ng monthly allowances ang mga solo parents, senior citizens at mga Persons with Disabilities (PWDs).

Para matanggap naman ng mga soloparents at PWDs ang allowance, kailangan nilang maging residente at botante ng Maynila. Dapat din ay nakatala sila sa Manila Department of Social Welfare.

Ginawa ang pagpirma ng ordinansa sa Bulwagang Katipunan of the Manila City Hall kung saan sinaksihan ito nila Manila Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua, at iba pang mga konsehal ng lungsod

Kinalugod naman ng ilang kababayan natin ang ginagawa ng pamunuan ng Maynila para sa mga nasasakupan nito.

“Thank you po sa lahat ng mga opisyales ng Manila City, Mayor Isko Moreno, Vice-Mayor Honey Lacuna, all congressman and all councilors from District 1-District 6. God bless po. Proud ManileƱo. Proud Tondonians,” sabi ni C. Mamalayan.

“God bless Mayor Isko Moreno.May God protection,wisdom and knowledge be upon you always.God be with you and your team,” sabi ni J. Fontanilla.

“This will be of big help to the students especially the less fortunate. Sana lang madistribute ang funds sa mga dapat na makatanggap. God bless you Mayor isko and more power,” sabi ni E. Alimurung.

“Ok ka mayor. Maraming salamat dahil ngaun lng kami makakarcvd ng ganyan bibiya pra sa mga senior citizen lalo na sa mr ko. Thank you po.” sabi ni A. Lim.

Source: Isko Moreno Domagoso | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén