Local News

P7-Million Ferrari Sports Car, Winasak ng DU30 Government!

Yupi-yupi ang inabot ng smuggled na kulay-asul na Ferrari sports car nang gulungan ito ng bulldozersa may Bureau of Customs nitong Martes ng umaga.

Kasama din sa winasak ng gobyerno ay ang isang pang sports car na may maling deklarasyon. Imbes kasi na sasakyan ang kargamento, idineklara itong auto parts.

Damay din sa pagwasak ay libo-libong couterfeit cigarettes.

Ang pagsira sa mga smuggled items ay sinaksihan ni ustoms Commissioner Rey Leonardo Guerrero and Jesus Melchor Quitain—OIC of the Office of the Special Assistant of the President. Ang pagwasak sa mga smuggled items ay pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte para panghinaan ng loob ang mga smugglers.

Basahin ang mga naging reaksyon ng ilan nating kababayan sa ginawang pagsira sa luxury sports car.

May mga nanghinayang sa ginawa ng gobyerno sa kotse. Ayon sa ilang kababayan natin, dapat ay ibinenta na lang at ginamit ang kinita para pondohan ang mga social services ng gobyerno.

“They could have sold it and use the proceeds to fund one of the government social safety nets like income for the food or buying dialysis machine for the sick,” sabi ni R. Cor.

Ipinaliwanag naman ng ilan nating kababayan na kung hahayaan dumaan sa auctions ang mga smuggled items, maari daw itong makuha sa mas mababang halaga ng mga mismong smugglers. Kaya mas mabuti na lang na sirain ang mga ito.

“Why they choose to smuggle because they know that these things will be place in an Auction there they can buy it cheaper that the tax if they do it legally… its already planned before being smuggled.. if they’ll stop the auction and crash the cars…these smuggler might end up choosing to do it in a legal way. that’s the point of this.,” sabi ni M. Roca.

Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Pangulong Duterte na wasakin ang mga smuggled items.

Source: GMA News | Inquirer | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén