Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

P73 Billion per Year ang Nanakaw ng mga Corrupt Officials at Gambling Lords sa STL Lotto – Senator

Ayon sa ilang mambabatas, may ilang tiwaling opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ilang gambling lords na nakakulimbat ng 73 billion taon-taon dahil sa paggamit sa prangkisa ng PCSO bilang front sa iligal na pasugal na jueteng.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, pumapalo daw sa P200 million kada araw ang nakokolekta sa jueteng sa mga lugar ng Metro Manila, Cordillera Administrative Region at mga rehiyon 1 hanggang 5. Si Lacson ang nanguna noon sa congressional investigation sa pagdami ng bilang ng jueteng operations.

Ginagamit daw kasi ng mga jueteng operators ang nakuha nilang prangkisa ng PCSO small town lottery (STL) para gawing front sa jueteng. Dahil sa modus operandi ng mga naturang operator, malaking bahagi ang hindi naibibigay sa gobyerno.

“We do not need an Albert Einstein to figure out how much goes to the individual pockets of STL franchise holders, corrupt politicians, policemen and PCSO officials,” sabi ni Lacson.

Naniniwala din si Lacson na sana ay hindi sinuspindi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng mga multi-million draws tulad ng mga 6/42, 6/45, 6/49, 6/55 at 6/58. Ayon sa senador, ang mga ito ay walang ulat ng katiwalian at mahigpit na nababantayan ang mga scheduled draws dahil computerized at televised.

Para naman kay Senador Sherwin Gatchalian, mas mainam daw na gawing pribado ang PCSO. Sa ganoong paraan daw ay maiiwasan umano ang hindi maayos na paghawak sa pondo ng ahensiya.

Sa pananaw naman ni former Senator JV Ejercito, baka magkaroon ng malaking funding gap sa Universal Health Care (UHC) Law dahil pagkakasuspindi sa operasyon ng lotohan ng PCSO. Si Ejercito ang principal author ng nasabing batas. Pero hindi niya daw masisisi ang Pangulo sa kagustuhan nitong malinis ang ahensiya.

“I’m hoping that the PCSO corruption issues can be resolved soon in time for the UHC implementation. But I cannot blame the President, he must have heard enough of the corruption issues in the agency,” sabi ni Ejercito.

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén