Local News

P8.426 BILYONG Kinita ng PCSO, Hindi Binigay sa Gobyerno?

Kagabi, sa isang recorded video, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipahinto ang lahat ng operasyon ng pasugalang pinatatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa malawakang korapsyon sa ahensiya.

Nagbigay din ng direktiba ang President na kanselahin ang mga lisensiya at prangkisang ipinagkaloob ng PCSO.

Ipinaalam din ng Pangulo sa madla na hindi niya susundin ang mga court orders na ilalabas ng hukuman para pigilan ang pagpapasarado sa pasugalan ng PCSO.

Inutusan din ng Presdidente ang mga otoridad na arestuhin ang sinumang lalabag.

“I have today ordered the closure the stoppage of all gaming schemes of whatever nature, however done that got their franchises to do so from the PCSO. The ground is massive corruption involving all… Since as of this moment beginning now, the licenses and franchises of whatever kind or nature granted by the PCSO as to all gambling schemes lotto peryahan ng bayan, STL, and those machines there that can be found everywhere, I will give them 24 hours to remove them from the public places,” sabi ng Pangulong Duterte.

Sa ulat ng Philippine Star noong Hulyo 11 ngayong taon, lumabas na tinawag ng Commission on Audit (COA) ang atensyon ng PCSO dahil sa hindi umano pagre-remit ng kinita nito noong mga taong 1994-2016 sa national treasury ng gobyerno.

Ayon sa ulat, papalo daw sa P8.426 billion ang dapat nakuha ng gobyerno pero hindi naibigay ng PCSO.

“PCSO has not declared and remitted dividends to the national government for dividend years 1994 to 2016 in the total amount of P8.426 billion, contrary to the provision under Section 3 of Republic Act 7656,” sabi sa report ng COA.

Base umano sa batas, kalahati ng kinikita ng mga government-owned or controlled corporations (GOCCs) ay dapat naibibigay sa national government.

Nakalagay din sa ulat ng COA na 67 sa kabuuang 85 operators ng authorized small town lottery (STL) ay hindi pa umano nakakapagbayad sa PCSO na halagang aabot ng P4.607 billion.

Source: Philippine Star | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén