Local News

Paano ang Pinoy kung Walang Vice at Cardo? Paano na ako Kakanta? – Regine Velasquez

Dahil maugong ngayon ang usapin patungkol sa posibleng pagsasara ng ABS-CBN dahil malapit na pagkapaso ng prangkisa ng Kapamilya network at ang quop warranto petition na inihain sa korte suprema, ilang personalidad sa mundo ng showbiz ang nagbigay na ng opinyon tungkol sa isyu.

Isa na dito ang talent ng ABS-CBN na si Regine Velaquez. Inisa-isa ni Velasquez ang maaaring mawala sa mga Pilipino kung tuluyang magsasara ang ABS-CBN.

“Pano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!!!!!! Anong ibigsabihin nito???? Hindi na po natin mapapanood si Cardo!!!!!!! Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mayayari sa Love thy woman at Iba pang teleseryeng napalapit na sa mga puso nating lahat. Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA… Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda,” sabi ni Regine.

Ayon pa sa mang-aawit mas mainam daw na maraming napagpipiliang programa ang mga Pilipino.

“Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubuti talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpapasaya sa kanila,” ani Regine.

“Naliligalig din po ako dahil nakasalalay din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy….. na kung ako ay naliligalig pano pa ang iba na dito talaga nakasalalay ang buhay nila at pamilya nila. Siguro hindi natin mararamdaman agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdaman natin na tayo pala ay natanggalan ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito. #wagisaraangabscbn,” dagdag pa ng mang-aawit.

Nitong Lunes ay naghain ng “quo warranto” petition si Solicitor General Jose Calida upang kanselahin ang prangkisa ng ABS-CBN. Ayon sa opisyal, nakitaan ang network ng pang-aabuso sa legislative franchise na ipinagkaloob dito ng gobyerno.

Source: Abante | Regine

Leave a Reply

Theme by Anders Norén