Local News

‘Paano naging COUNTRY ang Int’l Maritime Organization?’ University Lecturer to Trillanes

Hindi nakaligtas kay Maastrich University Lecturer at pro-government blogger Sass Rogando Sasot ang komento ni Senador Antonio Trillanes patungkol sa mungkahi ng China sa joint investigation sa nangyaring pagbangga ng Chinese boat sa bangka ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Ayon kasi kay Trillanes, tila sinusuko na raw ang soberenya ng Pilipinas kung magkakaroon ng joint investigation ang Pilipinas at China sa insidente.

“Para sa akin, isang pagsuko ng sovereignty ng ating bansa, dahil nangyari ito sa exclusive economic zone. Dapat tayo ang nag-iimbestiga rito. At kung mayroon mang neutral country na gagawa nito, ito yung international Maritime Organization,” sabi ni Trillanes.

Sapul kay Sasot ang hulian bahagi ng pahayag ni Trillanes.

“Senator Trillanes kailan pa naging COUNTRY ang International Maritime Organization? lol,” banat ni Sasot.

Ang pahayag ni Trillanes ay galing sa image post ng News5.

Libo-libo na ang nagbigay ng reaksyon at komento sa banat ni Sasot kay Trillanes.

“Trillanes was a Navy officer. He should know the Rules of Law of the Sea! Obviously he doesn’t, Pres. Duterte was right when he said , Trillanes passed the PMA simply of his father,” sabi ni C. Dela Pena.

” Basta lang may masasabi sya. Nakakahiya! D nlng kc mananahimik. Ang hilig sumawsaw sa usapan eh. Parang ikakamatay niya talaga pag hindi sya lumabas sa media. Kakaloka,” sabi ni L. Fortuna.

“Pa interview ka ulit kay Sakur para maiintindihan mo. Ako sa u Trillanes magpahinga ka nalang kung ano ano nalang pumapasok sa utak mo. Para lang ma save ka sa mga kasinungalingan mo.
Always remember may karma talaga,”
sabi ni O. Redsan.

Source: News5 | Sass Rogando Sasot

Leave a Reply

Theme by Anders Norén