Local News

Pabebendisyunan ni Imee ang dating Opisina ni Trillanes sa Senado?

Ngayong araw ay nagkabunutan ang mga senador para kanilang room assignment sa gusali ng senado. Napunta kay Senadora Imee Marcos ang dating opisina ni outgoing Senator Antonio Trillanes. Dahil dito ay napabiro ang bagong halal na mambabatas na papabasbas niya ang naturang lugar.

“Siguro magpapatawag ako ng mga Igorot namin dahil kailangan basbasan ‘yung office ko, kay Senator Trillanes ata ang nabunot. Iyung na lang natira, nahuli yata tao ko… Kung papayag si Senator Trillanes, sasabihin ko kay Sonny, makikisayaw kami sa mga Igorot namin para mabendisyunan ng todo,” banat ni Imee.

Ang biro ni Imee ay sinagot naman ni Trillanes sa isang pahayag.

“If the religious ritual is meant to help her fulfill her mandate as a newly elected Senator, then that’s a good thing. But if she’s saying it to insinuate na masama akong tao, then sobrang kaipokritohan naman ‘yun, even for a Marcos,” pahayag ni Trillanes.

Si Trillanes ay isa sa mga matinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang si Imee ay kilalang ka-alyado ng mga Duterte.

Panoorin ang buong panayam kay Imee ng mga miyembro ng media.

Source: News5 | News5 | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén