Local News

Pacquiao, Hindi Binigyan ng Diploma! Notre Dame University, Nagsalita na!

Laman ngayon sa social media si Senador Manny Pacquiao dahil sa mga bintang nito laban sa Duterte Administration.

Hindi naman nakapagpigil ang kaalyado ng administrasyon at binutasan ang kapasidad ni Pacquiao na diumano’y may balak na kumandidato sa 2022 presidential elections.

Isa sa mga binibira ngayon ay ang edukasyon ni Pacquiao at kung paano ito nakatapos ng kursong political science.

Ayon kay Pacquiao, naglaan siya ng maraming taon sa pag-aaral at lehitimo ang kaniyang mga records.

“Ako mahaba, 2008, i-check pa nila ‘yung record nag enroll ako ng college noong 2008, sa Notre Dame University sa General Santos City, check nila ‘yung record doon, pumapasok po ako araw araw noong 2008 noong nag college ako, after that noong natapos ko po ‘yung first year college naghanap po ako ng informal education dahil hindi ko po magampanan dahil active pa po ako sa boxing kaya nakakuha ako ng diploma 2019 na,” boladas ni Pacquiao.

Dahil naungkat ang pangalan ng Notre Dame University, naglabas ang unibersidad ng pahayag upang linawin na hindi nila binigyan ng diploma si Pacquiao. Nag enroll lamang daw si Pacquiao sa kanila noong 2007-2008 at ang kursong kinuha ay BSBA-Marketing Management Program.

“NDUU, obviously, did not grant Sen. Manny Pacquiao a college degree.” sabi ng paaralan

Nagbigay naman ng reaksyon si Pastor Apollo Quibiloy sa naging tugon ng paaralan.

Source: SMNI | SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: