Local News

Pacquiao, Hindi Poprotektahan si PDU30 sa ICC?

Umamin si Senador Manny Pacquiao tungkol sa mga binabalak niya sa public service.

Ayon sa boksingerong-senador, lahat ng politiko na tulad niya ay nangangarap ng mas mataas na pwesto sa pamahalaan.

“I’m a politician, all politicians are dreaming for the higher position,” boladas ni Pacquiao.

Ibubunyag din daw niya ang kanyang hakbang pagkatapos ng kanyang pakikipagsagupaan kay Errol Spence sa Agosto sa Las Vegas.

“I’m going to announce (my decision) in the proper time, maybe after the fight.” kuda ni Pacquiao.

Sa isang panayam, natanong naman si Pacquiao kung po-protektahan niya si Duterte mula sa magiging desisyon ng International Criminal Court kung sakali man na siya ang maging susunod na Presidente.

“All of us are bound to the law,” sagot ni Pacquiao.

Magugunita na nagkalamat ang alyansa ni Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pinagsasabi nito na mas malala daw ang korapsyon ngayon kumpara sa Aquino Administration.

Nagtangkang pumasok sa politika ni Pacquiao noong 2007 bilang kongresista ng 1st District ng South Cotabato pero tinalo ito ni dating alkalde ng General Santos na si Darlene Custodio.

Nakalusot naman si Pacquiao na magkaroon ng posisyon sa pamahlaan matapos siyang lumipat ng Saranggani at doon kumandidato bilang mambabatas.

Umuugong ngayon na isa si Pacquiao sa mga sasabak sa 2022 elections para maabot ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Source: MB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: