Local News

“Mag-ingat ka!” Pacquiao, Pwedeng Idemanda ni Pastor Quiboloy!

Sa kaniyang programang Powerline, sinagot ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga pahayag sa kaniya ni Senador Manny Pacquiao. Ayon kay Quiboloy, nakarating sa kaniyang kaalaman na sinabihan daw siya ng senador na siya ay psychologically imbalanced. Resbak ni Quiboloy, maaari din daw mademanda si Pacquiao sa pinagsasabi nito sa kaniya.

Magugunita na nagbabanta si Pacquiao na idemanda si Quiboloy patungkol sa isyu ng multi-million sports center project. Ayon kay Paccquiao, nagkakalat daw si Quiboloy ng maling impormasyon laban sa kaniya.

Resbak naman ni Quiboloy, handa siyang harapin ang mga kaso balak isampa ni Pacquiao. Nakahanda na rin daw ang kaniyang depensa kung sakaling ituloy ng senador ang banta nito sa kaniya.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: