Local News

Pag Absuwelto kay De Lima Suportahan ni Biden? Former Congressman Baguilat, May Matinding Kahilingan!

Hindi pa nakakapanumpa bilang Pangulo ng Estados Unidos si President-Elect Joe Biden pero may hinihiling na agad ang dating Ifugao congressman na si Teddy Baguilat Jr.

Gusto kasi ni Baguilat na suportahan ni Biden ang pagbabasura sa kaso laban kay opposition senator Leila De Lima. Hinalintulad pa ni Baguilat ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamahalaan ni US President Donald Trump. Wala naman daw kasing ebidensiya ang gobyerno laban sa nakakulong na senadora. Magugunita na nakulong si De Lima dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga.

Si Baguilat ay naging kapartido ni De Lima sa Liberal Party.

“In his foreign policy positions, I hope President Joe Biden will support the call for this Trump-like government to drop their trumped up charges against Senator Leila De Lima… Just like Trump who has alleged election fraud without any evidence, this government has no evidence against Senator Leila as even their own witnesses are admitting the Senator was no links to the drug trade. Let’s stop this injustice! Free Leila now!” sabi ni Baguilat.

Magugunita na noong 2016 ay inamin ni convicted kidnapper/drug lord Jaybee Sebastian na si De Lima ang kaniyang protektor. Umamin si Sebastian matapos sabihin ni De Lima sa national tv na asset siya ng gobyerno.

“Mas okay na ang protector, ganun ang dating eh…Gusto niya ata mamatay ako sa Building 14. Biruin niyo, sinabi niya na asset ako. Delikado talaga ako dun… Sinasadya ata nilang bitawan on national TV para mapatay na ako at tumigil na ako eh… Logically, hindi tama na sa nationwide TV, isang bilanggo kasama niya ibang bilanggo (i-announce na) na government asset siya…The fact na in-announce niya na asset ako, nilagay na niya sa peligro buhay ko… Sa takbo ng kwento, si Secretary De Lima talaga ang may kasalanan,” ani Sebastian.

Source: Politiko | Teddy Baguilat | Archive | Archive | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén