Local News

Pag-amin ng Ex-UP Official sa Nangyayaring Panghihikayat ng Rebelde sa UP, Inungkat ni Gen. Parlade!

Mainit ang usapin ngayon ang tungkol sa recruitment na ginagawa umano ng mga rebeldeng komunista sa loob mismo ng paaralan na pinopondohan ng gobyerno, ang University of the Philippines (UP).

Magugunita na naging maingay muli ang isyu nang kanselahin ng Department of National Defense (DND) ang kasunduan nito sa UP, ang UP-DND Accord. Sa nasabing kasunduan, pinipigilan ang mga pwersa ng pamahalaan na pumasok sa loob ng paaralan ng walang permiso sa pamunuan ng unbersidad.

Paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ginawa raw nila ang hakbang para protektahan ang mga estudyante sa panghihikayat ng Communist Party of the Philippines – New people’s Army (CPP-NPA).

May mga opisyal ng UP na umaangal sa naging pasya ng ng DND at itinatanggi na walang nangyayaring NPA recruitment sa loob ng paaralan.

Agad naman sinupalpal ni Lt. Gen. Antonio Parlade ang naging pahayag ng mga opisyal ng UP. Sa kaniyang serye ng social media posts, inungkat ng heneral ang naging pahayag ni Dr Jose “Butch” Dalisay Jr, dating vice president for public affairs ng UP.

“UP authorities are denying that there is recruitment in their campus. Really? So what about this statement of Dr Jose Dalisay Jr, VP for Public Affairs during the 36th UP Manila Day on Oct 22, 2018?” banat ni Parlade.

Sa nasabing pahayag ni Dalisay, inamin nga nito na recruitment ground ng mga rebelde ang UP.

“Let’s go back to those questions: Is UP a recruiting ground for rebels? The only sane and honest way of answering this is to say of course it is; it always was. It’s no big secret that rebellion and resistance are coded into UP’s DNA, because we have always encouraged critical thinking, which in turn encourages – at least for a while, until complacency sets in – an attitude of dissidence, of anti-authoritarianism, of rejection of the status quo,” pahayag ni Dalisay.

Source: Archive | Lt. Gen Parlade

Leave a Reply

Theme by Anders Norén