Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

AFP, Makikipag-Coordinate sa International Police para sa Pag-Aresto kay Joma Sison!

“We will coordinate with the Department of Foreign Affairs, the Department of Justice, the International Police and other relevant agencies for the service of the warrant of arrest or other legal recourse available,”

Ganito ang naging pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ilabas ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ng Regional Trial Court (RTC) Branch 32 ang warrant of arrest laban kay Sison at iba.

Ayon sa AFP, gagawin nila ang mga posibleng hakbang para mapanagot si Sison sa Inopacan Massacre na nangyari sa Leyte tatlong dekada ng ang nakararaan. Sa naturang krimen, 300 residente ng Leyte ang walang-awang pinaslang ng mga New People’s Army (NPA) dahil pinagkamalan na mga espiya ng gobyerno.

Kasama din sa warrant of arrest sina si Juliet Sison (asawa ni Joma), Armando Guerrero, Armando Liwanag, at mga dating National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace negotiators.

Maligaya din daw ang AFP dahil sa wakas ay gumugulong na ang batas laban kay Sison.

.

“We are elated as the victims’ families are for the issue of arrest warrant by the court against Mr. Jose Ma. Sison, his wife, and 36 others for the mass m*rder by the NPA of people who were suspected of being government spies that claimed the lives of about 300 residents in Leyte province in a purging activity infamously dubbed by the NPA as ‘Oplan Venereal Disease,” sabi ni Marine Brig. Gen. Edgard Arevalo

“As for those who are, like Mr. Sison, outside the country, we may not be able to serve the warrant right away as they are outside our jurisdiction. But we are not without recourse,” dagdag pa ni Arevalo.

Ginunita naman ng mga kaanak ng biktima ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay nitong September 2. Patuloy pa rin ang kanilang panawagan ng hustisya sa karumal-dumal na ginawa ng mga rebeldeng komunista.

Source: CNN Philippines | Philippine News Agency | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén