Local News

Pag-asa na lang ni DU30 para di masibak ay ang Chinese President! – Ex-Supreme Court Justice Carpio

Bumanat si former Supreme Court Justice Antonio Carpio laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa dating mahistrado ng korte suprema, ang pag-asa na lang daw ni Pangulong Duterte na para hindi mapaalis sa kapangyarihan ay ang presidente ng China na si Xi Jinping.

Sinabi ito ni Carpio, ilang araw matapos niyang pangunahan ang pagtatag ng 1Sambayan. Ang grupo ay isang koalisyon na naglalayon na pag-isahin ang mga taga-oposisyon. Inanunsyo din ng grupo ni Carpio ang mga napipisil nila para maging kandidato sa 2022 presidential elections. Ilan sa mga personalidad na ito ay sina Senadora Grace Poe, Senadora Nancy Binay, Manila Mayor Isko Moreno, Vice President Leni Robredo at former rebel Antonio Trillanes. Sa kabilang banda, kontra naman si Carpio kay Davao City Mayor Sara Duterte.

“This government is really incompetent. They’ve been tested and everybody’s saying kulelat sila. So, we have to offer a better alternative for people because we don’t want the same thing to happen again in the next six years,” boladas pa ni Carpio sa hiwalay na panayam..

Bumuwelta naman ang alkalde ng Davao laban sa dating mahistrado.

“They claim to be a coalition of democratic forces but they reject so many who do not agree with them. They sound authoritarian to me… ung gusto nila maging successful dapat ang panawagan nila ay magkaisa. What this country needs is a unity not messages with the word reject. “Othering” is the word that comes to mind when they speak,” resbak ni Mayor Sara.

Source: Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén