Local News

Pag Freeze sa CPP-NPA Bank Accounts, Aprubado na ng AMLC!

Mukhang siseryosohin na talaga ng Duterte Administration ang layunin nito na wakasan ang paghahasik ng lagim ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng armed wing nito, ang New People’s Army (NPA). Magugunita na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundao na tapusin na ang mga rebeldeng komunista.

“I have always called it as an article of faith, but no progress or development in any nation — wherever it is — cannot really hope to grow if there is trouble. Itong atin dito, what ails us is many, the insurgency of the Communist Party of the Philippines (CPP), then you have the terrorists… I have two years. Frankly, I have asked the military and the police, kung kaya niyong tapusin, tapusin na ninyo ngayon,” sabi ni Pangulong Duterte noong Marso 2020.

Ibinunyag ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Linggo na naglabas na ng kautusan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang bank accounts at mga assets na konketado sa CPP-NPA.

“Per ED (Executive Director) (Mel) Racela, the AMLC approved its freeze order against the CPP-NPA and other designated terrorist groups last Dec. 23… The AMLC can already move in the premises at any time after due designation by the ATC,” sabi ni Sec. GUevarra.

Kautusan para i-freeze ang mga account ng rebeldeng komunista ay inilabas matapos italaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) na terorista ang CPP-NPA.

Narito ang ilang opinyon tungkol sa pag freeze ng AMLC sa mga bank account na konektado sa CPP-NPA.

“Maabilidad ang komunista sa Pilipinas sa kanilang money-making scheme na idinadaan sa kunwari socio-economic works at human rights advocacies. Sa matagal nang panahon, matagal nilang nagatasan ang international funders para matustusan ang armadong karahasan at sariling luho ng mga CPP cadres na nasa mga syudad nakatira.
Halimbawa sa diskarte ay ang well-orchestrated na pagpabakwit ng mga lumad sa Lianga at sa UCCP Haran dahil sa akusasyong pang-aabuso diumano ng mga sundalo. Pibapakuhanan nila ng documentaries at pinamukha sa funding NGOs sa US at EU na sobrang kawawa ang lumad. Binuking na ng mga dating CPP cadre ang kabulastugang ito.” sabi ni Army Officer Harold Cabunoc.

“Sec. Guevarra also says that the bank accounts of known terrorists or organizations can be examined. Makikita na lahat ng transfers of funds at mapupuntirya ang mga pinanggalingan nito.
Sumuko na kayo, NPA.” paliwanag naman ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Source: INQ | Harold Cabunoc | Luminous | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén