Local News

Pag-Impeach kay Duterte ay Hindi Krimen, sabi ni Kiko!

“Impeaching a President is not a crime,”

Para kay Liberal Party president at opposition senator Francis “Kiko” Pangilinan, ang pagpapa-impeach kay Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi maituturing na isang krimen. Sinabi ito ni Pangilinan matapos magbanta si President Duterte na ikukulong niya ang mga magbabalak na magpa-impeach sa kanya.

“I-impeach ako? Kulungin ko silang lahat. Subukan ninyo. Try to take it — try to do it and I will do it ,” banta ni Pangulong Duterte.

Ayon sa mga kritiko ng Pangulo, ang pahayag ng Presidente ukol sa tila pagpayag nito sa pangingisda ng mga Tsino sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay maaaring maging basehan para sa pagsasampa ng impeachment.

Handa naman ang mga mambabatas sa Makabayan bloc sa kongreso na suportahan at i-endorso ang impeachment na ihahain laban kay pangulong Duterte ng sinuman.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi magtatagumpay ang anumang impeachment laban sa Pangulo dahil suportado ng nakakaraming mambabatas ang position ng Presidente.

“How can the President be scared sa impeachment? An impeachment is a numbers game… Eh supermajority ngayon sa Kongreso. Baka sa committee on justice wala na agad yun,” sabi ni Panelo.

Source: ABS-CBN | Manila Bulletin | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén