Local News

‘Pag Naging Drug Czar si Leni, Papalpak Iyan’ – PDEA Chief

“If you ask me, she will fail,”

Ganito ang naging tugon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino tungkol sa posibilidad na pangunahan ni Vice President Leni Robredo ang kampanya kontra-droga ng Duterte Administration.

Walang kumpiyansang ipinakita si Aquino kay Robredo. Isa sa mga dahilan ni PDEA Chief Aquino ay ang kawalan ni Robredo ng karanasan sa pagsugpo sa kalakalan ng droga.

“The vice president doesn’t have that. Wala syang kaalaman sa illegal na droga,” banat ng hepe ng PDEA.

Kung walang kumpiyansa si PDEA Chief Aquino kay Robredo, iba naman ang naging opinyon niya tungkol kay Pangulong Duterte.

“When I was assigned in Davao for 22 years, nagsimula na si Presidente. Piskal pa lang sya, puro drugs ang kaso nya. He cleaned Davao City during that time and makikita mo ang kanyang experience on how to clean and make drug cleared Davao,” pahayag ni Aquino tugkol kay Pangulong Duterte.

Magugunita na inalok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Leni na maging drug war at hinamon ito na sugpuin ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan. Ang hamon na ito ni Pangulong Duterte ay nag-ugat sa negatibong pahayag ni Leni sa isang foreign media kung saan sinabi ng bise presidente na palpak at dapat nang ihinto ang giyera kontra-droga.

Kalaunan ay kumambyo si Leni at tinanggi na pinahihinto niya ang war on drugs ng gobyerno.

“Kapag tiningnan mo iyong interview ko, ang sinabi ko, dapat i-assess ng pamahalaan kung tama pa ba iyong strategy na ginagamit. Kasi kung mali na, kailangang i-tweak. ‘Di ba… ang gustong sabihin ng “tweak,” himasin, o ibahin nang kaunti,” boladas ni Robredo.

Pero ayon sa foreign news agency na Reuters, maninindigan sila sa ulat na kanilang inilathala tungkol sa sinabi ni Leni.

.

“Reuters fairly and accurately represented the statement of Philippine vice president Leni Robredo, and we stand by our story published on 23 October,” sabi ng Asia Pacific Division ng Reuters.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén