Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Pag naging Presidente si Leni, Paktay ang Pilipinas’ – DU30

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa posibleng kahantungan ng Pilipinas kung sakaling maging susunod na Pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo. Sinabi ito ng Presidente sa awarding ceremony ng 2019 outstanding government workers sa Malacañang

Ayon pa sa Presidente,”incompetent” si Robredo at nagbiro na mag-a-appoint na lang outstanding government worker para maging ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

“Tapos si Leni talaga kasi illegal at unconstitutional. Hay, sabi ko Ma’am kung ikaw ang Presidente ng Pilipinas, patay… If qualified to do the work, I would gladly, gusto ko na appoint ko kayo lahat na vice president… I want to resign because I can’t stop corruption. If I burn agencies I will burn them all. Pero kung ‘di marunong ang papalit? Si RObredo ang papalit?,” banat ng Presidente.

Niresbakan din ni DUterte ang kritisismo ni Leni tungkol sa sinabi niya na maaaring tumanggap ng regalo ang mga pulis. Ayon sa Presidente, walang masama doon.

“You don’t even read the book and that’s the major policy… I quoted the very words of the anti-graft practices law. There is an exception, nominal, I used the word nominal and out of gratitude… It is not bribery because it is allowed by the law. What I mean is if there is generosity and then sabi ng anti-graft you cannot accept gifts, kalokohan ‘yan… If you’re able to solve a crime and the family would like to be generous to you or nurture a feeling of gratitude for what you accomplished then you accept wala akong…but to us that is something,” paliwanag ng Presidente.

Magugunita na isa rin sa pumuna sa sinabi ng Presidente ay si Senador Panfilo Lacson pero ayon kay Pangulong Duterte pagbibigyan niya si Lacson dahil hindi ito abogado.

“I can forgive Lacson. Itong si Robredo na abogado, sabi, ‘You are giving an illegal order.’ Abogado man iba dito. Nandyan mismo sa Anti-Graft and Corrupt Practices Law. May sentence diyan, exception that if the gifts are given in gratitude, and in nominal and tokens, that is allowed,” paglilinaw ng Pangulo.

Source: Manila Bulletin | Inquirer | Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén