Local News

‘Pag Panahon ng Eleksyon, Lumalakas ang Katawan! Binay, Niresbakan ni Sonza

Kamakailan lang ay nagpasaring si former vice president Jejomar Binay laban sa Duterte GOvernment, matapos magbahagi ng socfial media post na may hastag na #DutertePalpakl ang goernment station na PTV. Ayon kay Binay, hindi daw dapat patawan ng parusa ang nag-post.

“PTV4 should not punish the person who posted #DutertePalpak on their Twitter account. He or she was just sharing the sentiments of many Filipinos.

Even in a gov’t TV station, we assume there is still freedom of expression. Sometimes, the truth hurts,” patutsada ni Binay.

Hindi naman pinalampas ng retiradong mamamahyag na si Jay Sonza ang boladas ni Binay. Sa kaniyang social media account, pinaalala ni SOnza ang mga kasong kinasangkutan ni Binay.

“Nakakabilib din itong si former VP Jojo Binay. Kapag panahon ng halalan lumalakas ang katawan, lumilinaw ang mata at nagiging concern sa karapatan ng tao.
Kung sabagay, magaling talaga ang abilidad ni Jojo. Tandang-tanda ko pa noong hindi pa siya pulitiko, kasabay kong mag-almusal ito ng nakakamay sa sinangag, kamatis at tuyo sa isang apartment sa Makati.
Ubod talaga ng galing si Attorney dahil ilang buwan pa lamang OIC Mayor ng Makati, nakabili kaagad ng mamahaling bahay sa isang gated subdivision.
Hindi basta-basta ang mga Binay, katunayan pati mga usapin nila sa Ombudsman at Sandiganbayan, milyon-milyong piso ang sangkot sa graft and corruption cases.
Iyon ngang anak niyang naging mayor ay nahatulan ng perpetual disqualification from holding public office dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Iba talaga sila sa Makati!” banat ni Sonza.

Source: Jay Sonza

Leave a Reply

Theme by Anders Norén