Local News

“Mga Ulol! Pag Pro-DU30, May Karapatan Maglatag ng RevGov Agenda!” Ang Probinsyano Actor Jaime Fabregas

Nitong nagdaang araw ay naging laman ng balita ang pag-uudyok ng ilang grupo kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mag revolutionary government upang baguhin ang sistema ng pamamalakad sa bansa.

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi suportado ng kasalukuyang gobyerno ang panawagan pero naniniwala siya na kalayaan sa pamamahayag ang ginawa ng mga nagsusulong ng Rev Gov.

“It does not enjoy any support po from government right now. It is a private initiative but the private individuals can express freely their views as part of freedom of speech,” Roque said.

Sa ngayon po, wala pong magiging silbi ang revolutionary government. Tuluy-tuloy lang po tayo na ginagawa ang ating mga tungkulin,” sabi ni Roque.

Hindi naman nagustuhan ng actor na si Jaime Fabregas ang naging tugon ni Roque sa pagkilos. Ayon sa artista, tila double standard daw ang reaksyon ng pamahalaan sa mga taga suporta ng Pangulo at sa mga kritiko.

“Kapag mga Pro-Duterte ang naglatag ng Revolutionary Government agenda, ang sabi ni Roque, ‘that is their right as private citizens’. Kapag Anti-DUterte ang nagsabing ‘Duterte Resign’ o tumawag ng civil/mass demonstration, terorista na ang turing. Mga ulol!” boladas ni Fabregas.

Si Fabregas ay lumubas sa programang “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN. Ang ABS-CBN ay hindi nabigyan ng pragkisa ng kongreso kamakailan lang dahilan kung bakit ito huminto sa pag-ere.

Kanina lang ay nagsalita na si Pangulong Duterte patungkol sa isinusulong na Revolutionary Government.

“Pero — pero alam mo, marami ngayon may naglalabas — revolutionary government. Tapos ako ang sinasabi na… Wala akong pakialam niyan, wala akong kilala na mga tao na ‘yan at hindi ko ‘yan trabaho,” paliawanag ng Pangulo.

Source: News5 | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén