Local News

Pagbaklas ni Mayor Isko sa Anti-NPA Tarpaulin, Hindi Nagustuhan ng mga Netizens! Litrato ni Yorme at ni Communist Leader Joma Sison, Inungkat ng isang Blogger!

Lubos na nadismaya ang mga netizens sa naging hakbang ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipabaklas ang anti-communist tarpaulin sa kanyang lungsod.

Magugunita na sinabi pa ni Mayor Isko na uubisin niya raw ang mga nasabing tarpaulin. Para sa alkalde, dapat daw magbigayan ng pag-asa sa bawat isa dahil panahon umano ng pandemiya.

Pero ang naging aksyon ni Mayor Isko ay kinuwestiyon ng mga netizens.

Narito ang reaksyon mula ilang netizens:

“Bilang [pinuno ng] kapitolyo ng bansa natin dapat kayo po mismo ang tumututol sa mga gawain ng terorista. Iba ang politika. iba ang terorismo (As head of the capital of the country, you should be the first to oppose terrorist activities. Politicking is different from terrorism)” – Jimmy Nadela Jr

“Wrong. They should be declared persona non grata! Ang pagkokondena sa mga komunistang terorista at mga kakampi nila ay gawain ng responsable at mapagmalasakit indibidwal! (Condemning the communist terrorist groups and their allies are works of responsible and caring individuals)” – Ryan Santos RL

“Why should we care for those traitors? Are they welcome to recruit members in Manila?,” – Norma Bernales

“Wala po silang pinaglalaban kundi panlalamang at pananakot sa mga maliliit na tao at manghikayat ng mga batang estudyante para gawin nilang rebelde, paano po mga anak namin sa school pag nagkataon? Alam namen guro lang kausap, yun pala mga rebelde na (They are not fighting for a cause but are only taking advantage of other people and recruit young students and make them rebels. How about our children, they could be talking to their teachers and we will be surprised that they are rebels already),”
– Hope Verian

Ibinahagi naman ng blogger na si Harold Tan ang isang litrato kung saan makikita si Mayor Isko na kasama si Jose Maria Sison, ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines.

Source: Philippine News Agency | Harold Tan | Archive | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: