Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Pagbili ng 2 Submarines ng Pilipinas, Aprubado na ni DU30!

Sa unang pagkakataon, makakabili na ang ating bansa ng 2 submarino upang mapalakas ang pagbabantay ng ating kawal sa karagatan.

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili sa 2 submarines, 8 new fast attack interdiction craft (missile-capable), 6 new offshore patrol vessels, 2 new corvettes at 2 refurbished Pohang-class corvettes para sa Philippine Navy. Ang pagbilig sa mga sasakyan pandagat na ito ay parte ng modernization efforts para sa sandatang lakas ng bansa.

Sinusulong din ng navy na magkaroon ng kakayahan na gumawa ng sariling mga sasakyan pandagat. Ito ay para hindi na umasa sa mga banyagang para sa mga kagamitang pandigma.

“Ika-capacitate natin ‘yung naval shipyard, we will now have the capability to build ships sa future… Mahalaga ito sa self-reliance defense posture na pinupush ni (Defense) Secretary Delfin Lorenzana, ‘yung ma-capacitate natin ‘yung Armed Forces (AFP) to build our own capability,” sabi ni Philippine Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad.

Magugunita na dumaong sa Port of Manila nitong August 20 ang ex-Pohang-class corvette BRP Conrado Yap, ang tinaguriang “most powerful ship” ng Pilipinas. Nabili ito mula sa bansang South Korea.

Pondong nagkakahalagang P29-bilyon ang kailangan ng Department of National Defense (DND) para sa Navy ang hinihiling sa mga miyembro House Appropriations Committee.

Basahin ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa pagbili ng mga submarines.

“Better than surface ships or fighters i think…subs can launch torps or missiles then bail out immedietely without the enemy knowing. Pero requires an experienced and well trained crew and a significant amount of cash for maintenance. At least we are doing something…i’d give duterte a thumbs up in here,” sabi ni K. Tambo-on.

“Bili na rin po kayo ng isang squadron ng A10 Thundervolt at 6 na Destroyer for anti submarine capabilities para malaman kung may submarine ng ibang bansa na nasa ilalim ng karagatan natin,” sabi ni D. Sanchez.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén