Local News

Pagbili ng Bakuna, Ginugulo lang ninyo! Pres. Duterte, Nagpasaring ba kay Lacson?

Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibida ng ilang sektor na sila daw ang dahilan kung bakit napigilan daw ang korapsyon sa pagbili ng bakuna kontra-covid.

“I take exception to itong statement that they were able to prevent corruption or an overprice because of their vigilance. No. Far from it actually. You were just muddling up — it’s a muddled — ginugulo lang ninyo,” banat ni Pangulong DUterte.

Matatandaan na sinabi ni Senador Ping Lacson noong Enero 17 na nagawa raw ng senado ang bahagi nito para mapigilan ang koprapsyon sa vaccine program ng pamahalaan.

“If it’s true that government is now dropping the price of Sinovac vaccine from P1,847 per dose to only P650, the senate has probably done our share to save our people billions of pesos in the country’s vaccination program,” boladas ni Lacson.

Magugunita na ilang ulit nang pinagtanggol ni Pangulong Duterte ang proseso ng gobyerno sa pagbili ng bakuna.

“So about time na you just — a little bit — i-ano ninyo ‘yang utak sa corruption-corruption. I don’t know why are you so occupied sa mga corruption. Now, maghanap kayo hindi dito, baka sa inyo. Baka sa departamento ninyo, hindi dito sa akin… So ang gawain natin until the last minute. Ito sabihin ulit ni (Vaccine Czar) General Galvez sa inyo ‘yan. Hindi iyan mabayaran hanggang hindi dumaan kay (Finance Secretary) Dominguez pati sa akin. Naintindihan ninyo? Walang pakialam diyan… All that Galvez can do is just to come to an agreement as representative or agent of the Republic of the Philippines. He has no say sa bayaran kung saan because it is purely papel. Kunin ng manufacturer ‘yan doon sa mga bangko kasi doon tayo naghiram at diretso ang bayad galing bangko to the manufacturer. Hindi na tayo makialam diyan. And the pricing and the paper will not be final until it is reviewed by the Secretary of Finance kasi siya ‘yung magbayad pati ako. Kung maintindihan ninyo,” resbak ng Presidente.

Source: PCOO | Philstar | PCOO | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén