Local News

Page ng mga Magulang na Nawalan ng Anak dahil sa Leftist Groups, Tinanggal ng Facebook!

Kamakailan lang ay pinutakte ng mga mainstream news organizatin ang isyu patungkol sa ginawang pagtanggal ng Facebook sa mga pages na konektado sa kasundaluhan at kapulisan.

“This network consisted of several clusters of connected activity that relied on fake accounts to evade enforcement, post content, comment and manage Pages. This operation appeared to have accelerated between 2019 and 2020. They posted in Filipino and English about local news and events including domestic politics, military activities against terrorism, pending anti-terrorism bill, criticism of communism, youth activists and opposition, the Communist Party of the Philippines and its military wing the New People’s Army, and the National Democratic Front of the Philippines.

We found the full scope of this activity after investigating information about a portion of this network brought to our attention by civil society in the Philippines and Rappler, an independent news organization in the Philippines. Although the people behind this activity attempted to conceal their identities, our investigation found links to Philippine military and Philippine police.” sabi ni Nathaniel Gleicher, Head of Security Policy ng Facebook.

Pero pumalag ang isa sa mga pahinang tinanggal ng social media giant.

Sa video post ni Ginang Relissa Lucena, iginiit nito na wala silang ginagawang masama sa plataporma ng Facebook kaya hindi nila matanggap bakit tinanggal ang kanilang page.

Isa si Ginang Lucena sa nangangasiwa sa Facebook Page na “Hands Off Our Children”, isang grupo ng mga magulang na nawalan ng mga anak dahil napasama sa mga kilusan ng mga makakaliwa.

Magugunita na tumestigo noon si GInang Lucena sa senado upang iahayag ang nangyari sa kanyang anak simula nang mapasama ito sa mga makakaliwang grupo.

“Ang anak ko walang alam sa mundo, first time pa lang siyang lumayo sa bahay namin, hindi pa siya ganun ka exposed. Pero nung first semester nakita ko na ‘yung changes. Matigas na siya. Nag-open siya sa akin, Anakbayan na daw siya at lider na siya… Sinasabihan ko siya na huwag ka diyan. Against ako sa ginagawa nila pero hindi naman sa pinaglalaban nila… Sabi niya full-time na siya sa Anakbayan. Nung nalaman niyang nagsumbong ako, sabi niya kalaban na daw ako, huwag ko na daw isipin na may anak siya at ayaw na niyang mag-aral… Responsible po ang anak ko, hindi ko matanggap na ganyan ang gagawin niya” pahayag ni Lucena.

Source: Relissa Lucena | FB | GMA News | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: