Local News

Balita ng M’stream Media tungkol sa Paghahain ng Pork sa Atletang Muslim ng Singapore, Pineke?

Pinabulaanan ng Singapore National Olympic Council (SNOC) ang lumabas na istorya sa South China Morning Post (SCMP) na inahinan ng pork ang mga muslim na atleta ng Singapore na lalahok sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon sa Channel News Asia, hindi rin daw totoo na nagsalita si Singapore Chef de Mission Juliana Seow sa mga miyembro ng media sa Pilipinas.

“Juliana did not speak with the Philippine media nor were our Muslim athletes served pork,” sabi ng tagapagsalita ng SNOC.

Sa isang artikulo ng SCMP, sinabi na napilitan ang Singapore na bumili ng pagkain para sa mga atletang muslim .

Magugunita na naglabas ng pahayag si Seow noong Lunes at wala itong sinabi na hinainan ng baboy ang mga muslim na manlalaro. Sa katunayan, kinilala pa ng Singaporeana ng hospitality ng mga namamahala sa SEA Games.

“What’s more important is to work with the organisers to address and resolve them (the teething problems), so that our athletes and officials can compete in a conducive environment… We appreciate the efforts and hospitality of the Philippine organisers and volunteers in taking care of us and doing their best as hosts, and look forward to an exciting 2019 SEA Games,” pahayg ni Seow..

Source: Channel News Asia

Leave a Reply

Theme by Anders Norén