Local News

Paghingi ni Leni ng Dagdag Pondo para sa Anti-Drug Committee, Butata kay Senate President Sotto!

Supalpal ang inabot ng balak ni Vice President Lnei Robredo na manghingi ng karagdagang pondo para sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Sa panayam kay Senate President Vicente “Tito” Sotto, sinabi nito na wala sa posisyon na manghingi ng pondo ang ICAD. Ang pwede daw gawin nito ay gumawa ng polisiya.

“Yong inter-agency (the inter-agency committee), they don’t have a say on the budget. They have a say on policy but they do not have a say in the budget of the different agencies… The budgets for rehabilitation and prevention and other programs, are embedded in the agencies na kasali sa (that are part of the) inter-agency [committee] so baka merong (there might be a) misunderstanding as far as funding is concerned,” paliwanag ni Senate President Sotto.

Sa kanyang programa sa radyo, sinabi ni Vice President Robredo nanakukulangan siya sa pondo ng ICAD.

“Ang pondo na nakasalang (para sa ICAD) ay P15 million, tingin ko kulang ‘yun dahil sa lawak ng responsibilities… Humihingi rin ng pondo para ma-implement rin itong anti-drug strategy,” sabi ni Robredo.

Diskumpiyado din si Senator Sotto kung may matututunan ba ang Pilipinas sa gustong mangyari ni Vice President Robredo na makipagpulong sa mga opisyal ng United Nations at ng Estados Unidos ng Amerika.

“Kasi, ano ang matututunan natin doon? Hindi nila alam ang problema sa Pilipinas… Hindi naman nila alam yung mga function ng ICAD eh. Ano yung pakikialam ng UN doon?… Perhaps what the Vice President [Robredo] means is research. Pero (but) as far as running the anti-illegal drugs and drug abuse program of the country, I don’t think we will learn from those group,” sabi ba pa ni Senate President Sotto.

Si Leni ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang co-chair ng ICAD dahil sa walang-humpay na pagbatikos nito sa anti-drug campaign ng pamahalaan. Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nais daw ng Pangulo na malaman ni Robredo kung paano pinatatakbo ang kampanya kontra-droga.

Source: Manila Bulletin | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: