Local News

Pagkakaroon ng Kauna-unahang Attack Submarine ng Pinas, mas Napalapit na!

Ibinunyag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na umuusad na ang hakbang upang magkaroon ang Pilipinas ng kauna-unahang submarine. Ito ay matapos pirmahan ng Pilipinas at ng bansang France ang kasunduan upang palakasin ang maritime defense ng mga bansa.

“Philippines’ signing of the Letter of Intent on Enhancing Defense Cooperation in the Maritime Domain with the French government could aid us in acquiring the Scorpene-class, diesel-electric attack submarine… Intent pa lang, non-binding ‘yun para makapagumpisa na ng planning. Ang binding ‘yung kontrata na ,” sabi ni Lorenzana.

Ang kasunduan ay napirmahan noong Nobyembre 29 sa Paris sa pagitan nina Secretary Lorenzana at ni French Defense Minister Florence Parly.

Ayon kay Secretary Lorenzana, ang Scorpene-class, diesel-electric attack submarine ay isa sa mga pinakamahuhusay na submarine.

Ang sasakyang pandagat ay nakita mismo ni Secretary Lorenzana noong Nobyembre matapos ang biyahe nila ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bansang South Korea para sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN)-Republic of Korea Commemorative Summit.

Ang submarine ay bubuuin ng French defense contractor na Naval Group.

“The Scorpene is a 2000-ton, conventional-propulsion submarine designed for all types of mission such as surface vessel warfare, anti-submarine warfare, long-range strikes, special operations or intelligence gathering.” ayon sa official website ng Naval Group.

Mayroon din daw anim na weapon launching tubes at 18 weapons ang submarine. Ilan pa sa mga armas ng naturang sasakyang pandigma ay torpedoes, missiles at mines. Kaya rin daw nito bumiyahe hanggang 37 kilometers per hour.

Ayon sa Navy noong October 2, bukas pa daw sila sa proposal ng ilang bansa (Russia, Korea and Germany) para sa submarines pero ang proposal daw ng France ang tugma sa kailangan ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas.

“Their [France] proposal best fits the requirements set by the Philippine Navy but we continue to request for proposals from other companies,” sabi ni Philippine Navy Flag Officer in Command (FOIC) Vice Admiral Robert Empedrad.

Narito po ang hiwalay na ulat ng PTV noong Agosto 29 tungkol sa mga sasakyang pandagat ng bibilhin ng Philippine Navy.

Ito naman ang video kung saan ipinapakita ang Scorpene-class Submarine.

Source: Manila Bulletin | PTV | DefenseWebTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén