Local News

Pagkamatay ng 14 Alleged Criminals, Iimbestigahan ng CHR!

Iimbestigahan ng Commission on Human Right ang pagkakapatay sa 14 magsasaka sa Negros Oriental sa isinagawang police operation sa lugar.

Ayon sa kapulisan, ang mga napaslang ay mga pusakal na kriminal na nanlaban. Ang ilan daw dito ay mga hitmen at supporters na New People’s Army

Pero para kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, ang pahayag ng kapulisan na nanlaban ang mga namatay ay kailangan patunayan sa korte.

“At this point, our interest is finding out the truth… The regional sub-office of CHR-Region VII has already been instructed to investigate this case,” sabi ni De Guia.

Ayon sa mga makakaliwang grupo, ang mga napaslang daw ay mga magsasaka lamang nanapagsuspetsahan ng otoridad. Balak din daw maghabla ng mga makakaliwa laban sa mga pulis at sundalo na kasama sa operasyon.

“We warn the police that we will pursue justice so that the police involved will suffer the fate of Gen. Jovito Palparan who is now languishing in prison. We demand that the PNP [Philippine National Police] and AFP (Armed Forces of the Philippines) release the names of all those involved so that we can file criminal cases against them,” sabi ni Bayan Muna Chariperson at senatorial candidate Neri Colmenares.

Iginiit naman ng tropa ng gobyerno na legal ang ginawa nilang operasyon. Sa katunayan daw ay may mga dala silang arrest warrant.

“Legal po ‘yung ginawa namin at hindi po kami basta pumasok sa bahay nila… We just performed our duty as police officers,” buwelta naman ni Col. Raul Tacaca, director of the Negros Oriental Police Provincial Office.

Source: INQ | ABS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén