Local News

Pagkanta ni KC at Kakie, Pinagtapat ng Radio Host!

Usap-usapan ngayon ang anak ni Senador Kiko Pangilinan na si Kakie. Inuulan kasi ng negatibong reaksyon ang kaniyang performance sa isang Youtube Channel. Sa video kung saan mapapanood na kinakanta ni Kakie ang kaniyang awiting “TYL”, pinutakte ito ng lagpas 100,000 dislikes at ng mga negatibong komento. Pero para kay Kakie, bayaran daw ang mga nag-iwan ng negatibong hindi magandang marka sa kaniyang pagtatanghal.

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang akusasyon ni Kakie.

“100k x sabihin natin 250 pesos (or ano ba dapat), is 25 million. Sino magbabayad ng 25 million para lang mag dislike sa video?” sabi ng writer na si Krizette Chu.

“Dear Kakie, in case you really are so dense and out of touch with reality, libre at voluntary ang pag dislike namin sa iyo as a pretentious ‘musician.’… Before you accuse people were paid to dislike your music video, you should seriously ask yourself how terrible and TH you are as a “singer.” Iha, wala kang talent.” resbak naman ng radio host na si Mark Lopez.

“Hoy, k@k, kung elib na elib ka sa sarili mo, at todo deny na hongdoming nadidiri sa boses mo na kesho binayaran sila/kami (nino?) para i-dislike ka lang (ganun ka ka-importantaceous?), pwes, bakit hanggang ngayon hindi ka bini-build up ng tiyahin mong jowa ni Gary, shufatid ng pudra mo, at nagpapatakbo ng G3n3s¡s?! Anoney? May K ka ba???” buwelta naman ng abogado na si Atty. Nick Nangit.

Sa isang social media post naman ay pinagtapat ng radio host na si Byron Cristobal aka “Banat By” ang pagkanta ni KC Concepcion at ni Kakie ng awit na “Mr. DJ” ni Sharon Cuneta.

Si KC ay anak ni Sharon sa aktor na si Gabby Concepcion, habang si Kakie naman ay anak ni Sharon kay Kiko.

Habang isinusulat ang blog na ito ay umani na ng libo-libong reaksyon ang post ni Cristobal. Naibahagi na rin ang video comparison ng lagpas 600 beses.

Source: Banat By | Wish Bus | Krizette Chu | Mark Lopez | Mark Lopez | Nick Nangit

Leave a Reply

Theme by Anders Norén