Local News

‘Pagkatalo ng Otso Diretso ay hindi Lubos na Pagkatalo’ – Leni

Naglabas na naman ng pahayag si Vice President Leni Robredo patungkol sa sinapit ng mga kakosa niya sa Otso Diretso. Inilarawan ni Robredo na hindi lubos na pagkatalo ang nangyari sa mga pambato ng oposisyon.

“Hindi ko siya nire-regard na total loss kasi if at all, we were able to unite many forces na dati hindi united… So it is worth fighting for, still; hindi lang for the elections, pero for many other issues that will face us,” boladas ni Robredo.

Hindi rin daw dapat sisihin sina Senador Kiko Pangilinan at Quezon City Representative Christopher “Kit” Belmonte sa nangyari sa Otso Diretso. Si Pangilinan ang tumayong campaign manager ng senatorial slate ng oposisyon noong panahon ng halalan.

“Hindi nila kasalanan. Hindi nila kasalanan. Puwedeng maraming pagkukulang, pero hindi siya kasalanan noong dalawa. Ano iyon, very noble way of accepting responsibility,” dagdag pa ni Leni.

Magugunitang si Bam Aquino lang ang miyembro ng Otso Diretso na nakalapit sa magic 12 pero kalaunan ay nalaglag din.

Kinontra naman ng radio host at pro-government blogger na si RJ Nieto (Thinking Pinoy) ang pahayag ni Robredo.

“VP Leni Robredo, if my party’s objective is to win 8 senate seats but it managed to snag zero, then that’s a total loss,” banat ni Nieto.

Source: Inquirer | Thinking Pinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén